Tataya

Umaga na sa 'kin, ngunit ay bituin at buwan pa rin
Ang 'yong nakikita habang pumipikit ka na
Sa bawat pagtawag, ang oras, tinatabi
At ang puso ay magkalapit, pero malayo ka pa rin

Kahit ilang dagat man ang pagitan natin
Hangga't ika'y abot-tanaw, ito'y lalakbayin

'Wag ka nang magduda pa, 'di mapagkakaila
Magkaiba man ang ating mundo, tataya pa rin sa 'yo
Saan man mapadpad, madala o malipat
Magkalayo man ang ating mundo, tataya pa rin sa 'yo

Akala ko dati, malayong mangyari
Na mawawalan na ng gana, parang paulit-ulit na
Ano mang humarang sa daan, 'wag mong lilimutin
Na ako'ng hanging bumubulong, at ang araw na yumayakap

Sa iyong-iyo lang babalik ang puso kong ito
Kahit magunaw ang lahat, 'di pa rin hihinto

'Wag ka nang magduda pa, 'di mapagkakaila
Magkaiba man ang ating mundo, tataya pa rin sa 'yo
Saan man mapadpad, madala o malipat
Magkalayo man ang ating mundo, tataya pa rin sa 'yo

Kahit na malayo, kahit na 'di kabisado
Kahit na mundo'y magbago, kahit na, kahit na
Kahit na walang masabi, kahit na nandito palagi
Kahit na mananatili, kahit na

'Wag ka nang magduda pa, 'di mapagkakaila
Magkaiba man ang ating mundo, tataya pa rin sa 'yo
Saan man mapadpad, madala o malipat
Magkalayo man ang ating mundo, tataya pa rin sa 'yo



Credits
Writer(s): Raphaell Ridao, Redentor Immanuel Ridao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link