MYSTERYOSA

Alam mo bang nadale mo ko misteryosang dalaga
Kaya agad-agad, napa-gawa ng harana
Biglaang kumabog ang puso ko na dala na
Nakakagulat kasi biglaan siyang gumana

Kakaiba ka na dalaga
Kakaiba ka talaga
Kakaiba ka na dalaga
Kakaiba ka sa lahat

Pa'no ba ako mag papa-pampam
Kung palagi marami ang nakaharang
Pila-pilang manliligaw, mayayaman
Wala kong laban sa kanila kamahalan

Ano nga naman ang kaya kong iyabang
Eh ako ay hamak na simpleng tao lamang
Pag mamahal lang ang tangi kong kayamanan
Na pwede kong pagmalaki walang hangganan

Madalas na naka broom broom lang
At wala magarang sasakyan
Di katulad nila na makapal ang bulsa
Pero pangakong di ka sasaktan

At kung sakaling mapag bibigyan
Mailabas kita kahit na minsan lang
Ay dadalhin kita sa turo-turo
Dahil hindi ko pa kaya dun sa may restaurant

Sana kahit ganon ay tanggapin mo parin ako
(Tanggapin mo parin, tanggapin mo parin)
Nang sa gano'n ay mapakitang baliw na baliw sa'yo (baliw na baliw)

Alam mo bang nadale mo ko misteryosang dalaga
Kaya agad-agad, napa-gawa ng harana
Biglaang kumabog ang puso ko na dala na
Nakakagulat kasi biglaan siyang gumana

Kakaiba ka na dalaga
Kakaiba ka talaga
Kakaiba ka na dalaga
Kakaiba ka sa lahat

Ngayong alam mo na ay pano na kaya?
Sana 'di ka lumayo at 'di ka mawala
Ipinagtapat ko lang, para medyo gumaan
Naman ang dina dala ko at dinadama

Kasi kung itatago nalang, ako ay pano naman
Puro talo nalang, kaya ngayong sumugal
Sasabihin sayo ng harap harapan
Kahit pa ako ay magkanda bulol at mautal

Na ikaw ang bini-bining hinihiling ko
Pinipilit ko palaging akoy dingin mo
Dinadasal na sana ika'y umoo
At maging isa ang ating mundo

Kung papayag ka lang ay papatunayan
Habang buhay kitang aalagaan
Sa hirap at sakit, aalalayan
At 'di mag sasawang ika'y alayan ng pagmamahal

Sana kahit gano'n ay tanggapin mo parin ako
(Tanggapin mo parin, tanggapin mo parin)
Nang sa gano'n ay mapakitang baliw na baliw sayo (baliw na baliw)

Alam mo bang nadale mo ko misteryosang dalaga
Kaya agad-agad, napa-gawa ng harana
Biglaang kumabog ang puso ko na dala na
Nakakagulat kasi biglaan siyang gumana

Kakaiba ka na dalaga
Kakaiba ka talaga
Kakaiba ka na dalaga
Kakaiba ka sa lahat



Credits
Writer(s): Cris Dichoso, Christian Cordez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link