Kaloy

"Barya, barya lang po sa umaga"
Aniya ni Kaloy na habang-buhay nang mamamasada
Usog, mausok, huwag magtulakan
Huwag maghilaan, lahat mabibigyan

Oh Kaloy, oh Kaloy, nasa 'yo raw ang lunas
Ang ilaw ng tahanan ay napupundi na
Ano na? Maawa ka, magkano ba'ng halaga?
Sa 'yo nakasalalay, buhay ba ay mahalaga

Tagu-taguan, bilang na'ng mga buwan
Bumangon ka na riyan, kumakalam na'ng mga tiyan
Tagu-taguan, bilang na'ng mga buwan
Bumangon ka na riyan, kumakalam na'ng mga tiyan
Tagu-taguan, bilang na'ng mga buwan
Bumangon ka na riyan, kumakalam na'ng mga tiyan

Magtanim ay 'di biro, maghapong nakayuko
Hirap na ngang makatayo, sila pa ang nakaupo
Ako ang nagtanim, iba ang umangkin
Oh Kaloy, maligayang pagdating sa mundong ubod ng sakim

Oy, Kaloy, ako si Kaloy
Ikaw si Kaloy, tayo si Kaloy
Hali ka, 'li ka, 'li ka
Bangon ka na, Kaloy, bumangon ka na Kaloy
Halika, tingnan mo nga
Ako si Kaloy, ikaw si Kaloy, tayo si Kaloy



Credits
Writer(s): Johnvie Delarosa Viloria, Leonard Obero
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link