MANATILI

Ikaw ang nagsilbi kong mapa
Hawak mo ang manibela
Kahit san ibaling ang mahalaga ika'y kasama

Di na mahintay, gusto ko na lumakbay
Para marating ka at tayong dalawa ay mag-ugnay

Takbo ng oras, di na mahabol-habol
Wag naman sana (Wag naman sana oh, wag naman sana oh)
Binabalangkas bawat bahay
Pero tahanan sa'yo lang nakita (sayo nakita oh, sayo nakita oh)

Sa daan sinasadya ko lang na magbagal
Para lamang makasama ka ng matagal
Tiniis mula Lipa hanggang sa Bataan
Kahit pa malayo, gagawan ng paraan, diba?

Sana ganito tayo palagi
Kung pwede lang at maaari
Ako ay mananatili (mananatili sa'yo), palagi
(Mananatili sayo)

Mula sa kanan, dadalhin kita 'gang sa taas ng kalangitan
Tiyak na tiyak kahit na trapik di ka susungitan
Kahit tayo'y maligaw hindi ka iiwanan
Promise, todo peksman

Sa daan sinasadya ko lang na magbagal
Para lamang makasama ka ng matagal
Tiniis ang presyo ng gas kahit na mahal
Dahil ganito naman kapag nagmamahal, diba? (diba?, diba?, diba?)
O diba? (diba?) diba?

(Ikaw parin, o ikaw parin)
Ikaw parin
Sa pangalawang buhay ikaw pa rin ang aking pipiliin
Kahit mag-iba ang iyong kasuotan, 'di ko babaguhin
Mali man ang ruta natin, ito'y aking susuungin
Kahit pa madilim

Kukutitap
Nang makita ng lahat
Na ang tulad mo pag nagningas ay liliwanag

Biglang lumalawak
Ating daraanan
Ikaw lang ang pupuntahan
Ikaw aking walang hanggan



Credits
Writer(s): Emmanuel Sambayan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link