kahit hangin ako sayo

Para bang kinakapos ng hininga tuwing
Anjan ka di nagmimintis mga nakaw na tingin
Di mo napapansin
Sana ay lingunin
Di na lamang aamin
Baka mandiri pa sa akin

Ang hirap ng ganito
Takot lang mabigo

Makita mo
Kaya ang pagtingin sayo? (woah)
Dibale nang
Tahimik lang
Upang di mawala kung anong mayroon
Tayo ngayon

Bakit ba lagi na lang
Umuurong ang dila ko
Tuwing gusto ko nang aminin
Itong lihim ko sayo
Di ko naman ginusto kahit pa
Alam ko namang lupa ako at langit ka
Hindi mapigilan kapag nariyan ka na
Ngunit habang buhay lamang na tanong

Makita mo
Kaya ang pagtingin sayo? (woah)
Dibale nang
Tahimik lang
Upang di mawala kung anong mayroon
Tayo ngayon

Kahit saksakan pa ko ng torpe
Alam kong balang araw
Masasabi ko rin sayo lahat
Hindi pa tayo magkatugma ng landas
Kaya sa ngayon okay lang sa akin
Na nasa gilid lang
Kahit anong mangyari
Kahit sino pang humadlang
Wala akong pakialam
Basta araw-araw nakikita kita
At kahit hangin ako sayo
Ayos lang

Ayos lang

Ang hirap ng ganito
Takot lang mabigo

Makita mo
Kaya ang pagtingin sayo? (woah)
Dibale nang
Tahimik lang
Upang di mawala kung anong mayroon
Tayo ngayon



Credits
Writer(s): Deinielle Louis Grey
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link