BANGON

Umagang kay dilim
Liwanag sa gabi
Araw-araw may sayawan sa ilalim ng buwan
Pikit mata sa pinili mong landas
May kasama kang lumakad
'Kay humawak sa bukas na hiwaga, hiwaga

Bangon na, gumising ka
Ang ulap ay naghihintay sa 'yo
Yakapin ang pag-asang 'di humihinto
Bangon na, gumising ka
Ang ulap ay naghihintay sa 'yo
Yakapin ang pag-asang 'di humihinto

Ang ulan ng pait
Kalawakang masikip
Umaasa sa pangako mong muling magbabalik
Malungkot ang ngiti
Sa likod ng iniwan mong kahapon
Itinapon ang lahat ng alaala, alaala

Bangon na, gumising ka
Ang ulap ay naghihintay sa 'yo
Yakapin ang pag-asang 'di humihinto
Bangon na, gumising ka
Ang ulap ay naghihintay sa 'yo
Yakapin ang pag-asang 'di humihinto

Oh-o-oh
Oh-o-oh
Oh-o-oh
Oh-o-oh

Bumangon ka
Dalhin mo ang pangarap
Ngayon at hanggang bukas
At sa huli'y muling sisibol ang 'yong pagsisikap
Nandito lang ako

Bangon na, gumising ka
Ang ulap ay naghihintay sa 'yo
Yakapin ang pag-asang 'di humihinto
Bangon na, gumising ka
Ang ulap ay naghihintay sa 'yo
Yakapin ang pag-asang 'di humihinto

Oh-o-oh
Oh-o-oh
Oh-o-oh
Oh-o-oh
Oh-o-oh
Oh-o-oh
Oh-o-oh
Oh-o-oh

Araw-araw nating sinusubok ang mukha sa iba't ibang tadhana ng kinabukasan
Marahil ang iba sa atin ay walang ideya kung kelan mo kakapitan ang pangarap at kalayaan
Mula sa mga bagay na pilit pumipigil sa atin
Hindi na bago sa systema ng bawat isa sa atin ang pagbabago
Sa kabila ng lahat ng pinagdaan natin
Likas na sa ating mga Pilipino na patuloy na kumayod at lumaban
Ang pagkakaroon ng determinasyon malagpasan ang kahit na anumang pagsubok na dumating sa atin
Tatahakin laging panghawakan ang pananalig sa kahit anong sitwasyon
Mapagtatagumpayan natin ang hamon na hinaharap natin
Bumangon para sa pag-asa
Bumangon para sa kapayapaan
Bumangon para sa pag-ibig
Pag-ibig sa Diyos, sa kapwa at sa bayan



Credits
Writer(s): Emman Gabuya
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link