Babalik

Biglaan lamang ang pag-alis
Hanggang kailan pa ba
Ang paghihintay at pagtitiis?
Nasa'n ka na kaya?

Nagbabagal ang oras mula nang lumayo
Naghihintay sa bukas na ikaw lang at ako

Babalik ba? Ikaw ba'y magbabalik pa?
Nahihibang na, nasa'n ka na ba?
Kailan kaya babalik sa aking piling?
Babalik ba? Ikaw ba'y magbabalik pa?
Maghihintay lang sa 'yo kailan man
Dahil alam ko na babalik ka sa 'king piling

'Di maiwasan na mainip
Lito at tulala
Pinipilit sa gabi managinip
Nang masilayan ka

Nagpapanggap na oras pa natin sa mundo
Sinasadyang iiwas ang mata sa totoo

Babalik ba? Ikaw ba'y magbabalik pa?
Nahihibang na, nasa'n ka na ba?
Kailan kaya babalik sa aking piling?
Babalik ba? Ikaw ba'y magbabalik pa?
Maghihintay lang sa 'yo kailan man
Dahil alam ko na babalik ka sa 'king piling

'Di ko maiwasan na mainip
Lito at tulala
Bawat gabi ay pinipilit managinip
Nang masilayan ka

Nagbabagal ang oras mula nang lumayo
Sinasadyang iiwas ang mata sa totoo

Babalik ba? Ikaw ba'y magbabalik pa?
Nahihibang na, nasa'n ka na ba?
Kailan kaya babalik sa aking piling?
Babalik ba? Ikaw ba'y magbabalik pa?
Maghihintay lang sa 'yo kailan man
Dahil alam ko na babalik ka sa 'king piling

'Di ko maiwasan na mainip
Lito at tulala
Bawat gabi ay pinipilit managinip
Bawat gabi ay pinipilit



Credits
Writer(s): Brian Lotho, Rangel Fernandez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link