Pangako

Ah, ah-ah-ah-ah-ah
Da-la-la, la-la-la-la, la-la-la-la

Bakit ba may lungkot sa 'yong mga mata?
Ako kaya'y 'di nais makapiling, sinta?
'Di mo ba pansin, ako sa 'yo'y may pagtingin?
Sana ang tinig ko'y iyong dinggin

Ako ngayo'y hindi mapalagay
'Pagkat ang puso ko'y nalulumbay
Sana ay pagkaingatan mo ito
At tandaan mo ang isang pangako

Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di mo pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y
Tayong dal'wa ang magkasama

Da-la-la, la-la-la-la, la-la-la-la

Ano itong nadarama ko?
Ako kaya'y nahuhulog, umiibig na sa 'yo?
Sa tuwing kasama ka'y anong ligaya
Sana sa akin ay magtiwala

Kung tunay man ang nadarama mo
Mayro'n akong nais malaman mo
Ang aking puso ay iyong-iyo
'Wag sanang lumimot sa pangako

Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di mo pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y
Tayong dalawa, tayong dal'wa

Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di mo pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y
Tayong dalawa ang magkasama

Pangako
Pangako



Credits
Writer(s): Herminio Alcasid, Manilyn Reynes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link