'Di Ka Pababayaan

Ang buhay ay sadyang ganyan
Madami kang pagdadaanan
Lagi na lamang may pagsubok
Para bang walang katapusan

Mundo mo ay gulong-gulo
Pagod na ang puso mo
Ang iyong mata'y iyong buksan
Sa isang katotohanan

Hindi ka pababayaan
Hindi ka tatalikuran
Ang lahat ng ito'y may hangganan (may hangganan)
At hindi mo kailangang labanan (labanan)
Magtiwala ka, kaibigan
Laging mayro'ng maaasahan
Hindi ka pababayaan kailanman

Hindi ka pababayaan
Hindi ka tatalikuran
Ang lahat ng ito'y may hangganan (may hangganan)
At hindi mo kailangang labanan
Magtiwala ka, kaibigan
Laging mayro'ng maaasahan
Hindi ka pababayaan kailanman



Credits
Writer(s): Ogie Alcasid
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link