Hindi Na

Ngayong nandito na kami
Maliit na mga bituin
Umiikot sa kalangitan
Uhaw sa kamalayan
Naglalakad sa mga patalim
Aanihin ang pananim
Hadlangan ng ating mundo
Ay pipiliting makarating

'Di na, 'di na, 'di na
Babalik sa dating gawi
'Di na, 'di na, 'di na
Babalik lungkot ng gabi

Akala ko hindi ko iisipin
Mga nangyayari na hindi ko uulitin
Gusto mga bagay na dapat gawin
Ay hindi ko na dapat pilitin pa

Ngarap sa aking kahiwagaan
Langit na dapat na tinitignan
O baka imahe ng ating paulit-ulit
na paglaro sa kaisipan

Oras at bawat segundo na
Kaposas sa ating ginagalawan
Wala na ring tama ang puntong
Dulot ng 'di na natin maintindihan

At kung nabubuhay ka sa mapait mo na nakaraan
Hindi pa huli ang lahat para kasalukuyan ay masimulan

Ngayong nandito na kami
Maliit na mga bituin
Umiikot sa kalangitan
Uhaw sa kamalayan
Naglalakad sa mga patalim
Aanihin ang pananim
Hadlangan ng ating mundo
Ay pipiliting makarating

'Di na, 'di na, 'di na
Babalik sa dating gawi
'Di na, 'di na, 'di na
Babalik lungkot ng gabi

'Di na, 'di na, yeah
'Di na, 'di na, yeah



Credits
Writer(s): Jonel Tamoria
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link