Bakit Ako?

Bakit ako? yung Inibig Mo
ano mang mangyari, nandyan Ka palagi
Bakit ako? yung Inibig Mo
ano mang mangyari, nandyan Ka palagi

bakit nga ba ako? napaka dami dyan sa mundo
respetado, mas maayos ang trabaho, sako sako ang talento
kumpara mo, naman to, sa tulad kong, di masyado paborito ng tao,
kase pano, lumalabong paningin at pagmamataas ko'y magka-grado pero

Ako ay inibig kahit 'di kaibig-ibig,
hindi Ka naman pinilit, pero ba't paulit-ulit
at lagi Mong iniisip,
para bang nananaginip na ako sa sobrang init ng dala-dalang pag-ibig
Mong hatid, pagmamahal na di humihingi ng kapalit,
prisensya Mo'y palaging palapit
kahit makulit, minsan, pero lagi Mo kong tinatama kahit masakit

akala ko mauutak lang yung pinupusuan
bakit ganto? puso yata yung nauutakan

kase ganto, napunta yung pag-ibig ko sa mundo
pag mamahal na nararapat Sayo, nawala ng kay tagal nag banal-banalan
Sayo lang ako natutong, umibig kaya may tibok parin ang puso
kase una mokong minahal, ang aking dasal,
mag mura man, patuloy na magmamahal

Bakit ako? yung Inibig Mo
ano mang mangyari, nandyan Ka palagi
Bakit ako? yung Inibig Mo
ano mang mangyari, nandyan Ka palagi

Bakit ako? yung Inibig Mo
ano mang mangyari, nandyan Ka palagi
Nandyan Ka palagi
Oo nandyan Ka palagi
Hindi ko mawari
Nandyan Ka palagi
Laging pinipili

Hindi ko alam bakit ako minahal ng ganto
Hindi ko deserve pero grabe! grabe!
Ang dami kong kakulangan, pero Si Lord never nagkulang
Hindi ko mahihigitan yung pag ibig Niya e,
ni Hindi ko nga mapapantayan e
Ewan, Hindi kase ako marunong mag mahal e
Pero ngayon natuto akong mag mahal,
kase una akong minahal,
una Niya kong minahal



Credits
Writer(s): Ryan Anderson, Joshua Vicher
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link