Di Lahat Minamahal

Nalibot na 'ata'ng bawat sulok ng daanan
Wala ka, kailan kaya matatagpuan?
Bakit palaging napupunta na lang sa maling tao?
Kaya heto, bigo na naman

Kailan kaya pagbibigyan ng tadhana?
Matagpuan ka at aking makasama
Kasi naman hindi lahat ng nagmamahal
Ay minamahal pabalik

Hinanap, nakita, nahulog, at umasa
Kahit alam mong wala namang pag-asa
Nagmahal, nasaktan, walang bago (walang bago)
'Di mapilit na 'di ka na gusto ('di ka na gusto)
Nabihag mo'ng puso ko, 'di nga lang para sa 'yo
Kasi 'di puwedeng tayo

Kailan kaya pagbibigyan ng tadhana?
Matagpuan ka at aking makasama
Kasi naman hindi lahat ng nagmamahal
Ay minamahal pabalik

Pa'no kaya makakamit ang saya
Kung ang pag-ibig ay hindi laging tama?
Kasi naman hindi lahat ng nagmamahal
Ay minamahal pabalik

Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh

Nagmahal lang naman ako
Ikaw ang naging mundo
Nagmahal lang naman ako
Bakit ka naglaho?

Nagmahal lang naman ako
Ikaw ang naging mundo
Nagmahal lang naman ako
Bakit ka naglaho?

Pa'no kaya makakamit ang saya
Kung sa isip ko, ikaw palaging nakikita?
Bakit kaya hindi lahat ng nagmamahal
Ay minamahal pabalik?

Ako'y babalik kahit pa
'Di lahat ng nagmamahal ay minamahal

Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh



Credits
Writer(s): Arthur Miguel Quimpo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link