Sana Maulit Muli

Sana maulit muli ang mga oras nating nakaraan
Bakit nagkaganito? Naglaho na ba ang pag-ibig mo?
Sana maulit muli, sana bigyan ng pansin ang himig ko
Kahapon, bukas, ngayon, tanging wala nang ibang mahal

Kung kaya kong iwanan ka, 'di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na, 'di na sana lalapit pa
Kung kaya ko sana

Ibalik ang kahapon, sandaling 'di mapapantayan
Huwag sana nating itapon, pagmamahal na wagas

Kung ako'y nagkamali minsan, 'di na ba mapagbibigyan?
Oh, giliw, dinggin mo ang nais ko

Kung kaya kong iwanan ka, 'di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na, 'di na sana lalapit pa
Kung kaya ko sana, ito ang tanging nais ko
Ang ating kahapon, sana maulit muli

Kung ako'y nagkamali minsan, 'di na ba mapagbibigyan?
Oh, giliw, dinggin mo ang nais ko
Ang nais ko

Kung kaya kong iwanan ka, 'di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na, 'di na sana lalapit pa
Kung kaya kong iwanan ka, 'di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na, 'di na sana lalapit pa

Mahal pa rin kita, oh, giliw
Oh, giliw



Credits
Writer(s): G. Valenciano, A. Valenciano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link