Tanong na Abakada

Apat na tanong na pwede mong itanong
Ano bang sagot? Pwede bang pabulong
Ano ba, bakit ba, kanino ba o dapat ba
Tanong na abakada, ngayon nag-arangkada
Apat na tanong na pwede mong itanong
Ano bang sagot? Pwede bang pabulong
Ano ba, bakit ba, kanino ba o dapat ba
Tanong na abakada, ngayon aarangkada

Ano ba? Ano ba ang pwede mong gawin
Tumulong o makiisa? Makigulo o manira ng iba
Alam mo dapat kung saan ka lulugar
Dalawang pagpipilian, isang tamang daan
Kung tingin mo sa baluktot ay mapupunta
Ngayon pa lang kung ako sa'yo, ituwid mo na
Baka nga sa huli, iyong pagsisihan
Payong kaibigan, sana'y pagisipan
Bakit ba? Bakit pa kung sino pa ang tumutulong
Siya pa yung nakukulong
Dahil ba marami siyang nagagawa, kasi kayo ay wala
Tapos lahat natulala nung may isa na gumawa na maganda para sa bansa
Yung iba, minasama kasi hambog magsalita
Mensahe na aking dala
Mga mata, wag isara
Basta maging totoo ka
Basta maging totoo ka
Kung ano at sino ka

Apat na tanong na pwede mong itanong
Ano bang sagot? Pwede bang pabulong
Ano ba, bakit ba, kanino ba o dapat ba
Tanong na abakada, ngayon nag-arangkada
Apat na tanong na pwede mong itanong
Ano bang sagot? Pwede bang pabulong
Ano ba, bakit ba, kanino ba o dapat ba
Tanong na abakada, ngayon aarangkada

Kanino ba? Kanino ba 'to isisisi
Sa atin bang gobyerno o sa'ting mga sarili
Sa mga nangyayari ay kanino ang tanong
Nagbabakasakaling magkar'on ng solusyon
Kanino lumalapit sa tuwing nagigipit
Wala nang pambili ng pantalon pati damit
Ubos na ang gatas, ubos na ang bigas
Walang matakbuhan kasi hindi makalabas
Dapat na pagbigyan ang natatangi mong hiling
Kung ang pagkakamali mo ay 'di mo kayang tanggapin
Dapat bang magmagaling? Dapat bang magpasaring
Ang dapat mong alisin ay ang 'yong pagiging sakim
Daming nagtatanong, wala pa ring sagot
Di matuklasan ang nakatago na gamot
Wag kang mayayamot, kahit nababagot
Talagang ganyan ang buhay, palaging may gusot
(Palaging may gusot)

Apat na tanong na pwede mong itanong
Ano bang sagot? Pwede bang pabulong
Ano ba, bakit ba, kanino ba o dapat ba
Tanong na abakada, ngayon nag-arangkada
Apat na tanong na pwede mong itanong
Ano bang sagot? Pwede bang pabulong
Ano ba, bakit ba, kanino ba o dapat ba
Tanong na abakada, ngayon aarangkada



Credits
Writer(s): Raphael Panganiban
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link