Sa'yo Lang Ang Mundo

Sinta nakikinig pa ba ang iyong puso?
Sumasagi pa ba sa isip mo ako?
O binulag na ng oras ang iyong mga mata
'wag mag alala mahal ako'y handang saluhin ka

Panatag na ba ang iyong loob sa'yong tahanan?
O bumabalik balik pa rin sa'yo?
Ang kahapon natin iniwan sa ilalim ng buwan
Noong ikaw lang ang tiyak sa'king kalawakan

Huwag mag alala
'di naman kita
Pipilitin at sisisihin pa
Sapat nang ika'y masaya

Sa ating hantungan
Ikaw lang ang tahanan
Kahit na malabo na akong uwian
Ang aking pangako
Ikaw lang hanggang dulo'y dala pa rin
Hanggang kumupas ang mundo

Alam ko rin namang ika'y panatag
Sa tuwing nakikita mga titig sa kanya
'di kita masisisi kung sa kanya mo nakita lahat (ng wala ako)
Sana'y patawarin kung hindi ako naging sapat (sa'yo oh)

Huwag mag alala
'di naman kita
Hahanapin at hahabulin pa
Alam kong ika'y masaya

Sa ating hantungan
Ikaw lang ang tahanan
Kahit na malabo na akong uwian
Ang aking pangako
Ikaw lang hanggang dulo'y dala pa rin
Hanggang kumupas ang mundo

Hanggang sa hantungan
Ikaw pa rin ang tahanan
Kahit na alam kong hindi na ako
Ang uuwian
Ang iyong pangako
Naiwan nang malabo
Ngunit sa'king puso'y ikaw ang mundo
Sa'yo lang ang mundo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link