mala-mahika

Magdamag kang tinitignan
Para bang binibigyan ng kakaibang tama
Kasabay ng 'yong tawa
Pakiramdam, pinaulanan ng daan-daang biyaya

Ganito ba ang langit?
'Di kailangang sagutin kung ano o bakit
Lahat ng kayaman at pag-aari
Nasa aking kamay, ikaw ang katabi

Imahe na mapungay, nilagyan mo ng kulay
Dito sa ating buhay, bilang lang ang tunay
'Pinaparamdam mo ay 'di nakakaumay
Walang kasing saya, at walang maling taya
'Di hahayaang 'di mahanap ang sigurado sa bahala na

At 'di namamalayan, pagpalit ng araw sa buwan
'Di maipaliwanag, basta ikaw lang ang nagpapagaan
Tiyak na ligaya, tila ba ikaw ang nagparanas
Pinakawalan ang nakatagong hiwagang wagas, oh

Kung hindi pa natikman, ganitong tipong pakiramdam
Parang kulang ang mga salita para maipaliwanag lang
Kakaiba ang pinipinta, kulay na ngayon ko lamang nakikita
Panandalian o matagalan, 'la 'kong pakialam
Basta lamang ang napapadamang walang kapareha

Ako'y namulat mo, mayro'n palang ganito
Mas matimbang pa sa lahat ng ginto
Mala-mahikang kaharian, ikaw ang pinto, hmm
Walang kasing saya, heto'ng pinaka sa mga pinaka
At walang maling taya, kahit sandali hindi magtataka

'Pinakilala ka yata ng mga tala
O baka naman ikaw ay isa sa mga diwata ni Bathala
Alam kong tama at tiwala
'Di gambala sa 'kin 'pag kasama ka

At 'di namamalayan, pagpalit ng araw sa buwan
'Di maipaliwanag, basta ikaw lang ang nagpapagaan
Tiyak na ligaya, tila ba ikaw ang nagparanas
Pinakawalan ang nakatagong hiwagang wagas

'Di namamalayan, pagpalit ng araw sa buwan
'Di maipaliwanag, basta ikaw lang ang nagpapagaan

Napakagaan ng pakiramdam
Napakagaan 'pag kasama ka



Credits
Writer(s): Ernesto Carlos Orduna
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link