Hilom

Makikiusap ulit ngayon
Kahit alam ko na rin ang sagot
Maibabalik pa ba ang kahapon?
Ikaw lang ang makakasagot

Aalisin lahat ng galit
Walang ititirang sama ng loob
Ibabalik natin ang dati, hmm
Hanggang sa maghilom

Makakausap ka na kaya
O palampasin ulit ang maghapon?
Dadaanin kita sa tiyaga
Hinding-hindi ako mapapagod

Aalisin lahat ng galit
Walang ititirang sama ng loob
Ibabalik natin ang dati
Hanggang sa maghilom

Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
Hmm

'Di ko pa rin isusuko
Kahit pa lumalabo
Ang pagtingin, ibabaling
Sa iyo hanggang sa huli

Aalisin lahat ng galit
Walang ititirang sama ng loob
Ibabalik natin ang dati
Hanggang sa maghilom

Aalisin lahat ng galit
Walang ititirang sama ng loob
Ibabalik natin ang dati
Hanggang sa maghilom

Hanggang sa maghilom, hmm



Credits
Writer(s): Joseph Darwin Hernandez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link