Ayos Lang (Medyo)

Inikot na ang buong mundo
Kakahanap ng tulad mo
Inakyat ang pinakamataas na puno
Baka sakaling matanaw ko
Ang yong ganda, Labis na
nahuhumaling, nabighani lalo na sayong mata
Nako nahulog na, sabi na
Tinamaan ako at wala na kong magagawa

Kailan sasabihin, Ito na pag-amin
Tuwing nasa piling, Laging binibitin
Hindi nanaisin, Ikaw ay magalit
Laging susuyuin

Ayos lang kung 'di pa kaya
Walang problema, basta't wag mawala
Ayos lang kung 'di pa kaya
Walang problema, basta't magtiwala

Minu-minuto kung ikaw ay isipin ko
Normal lang bang magkaganto
Napapangiti pag narinig na ang tinig mo
Kilig di maitatago
Puso at isip ay gulong gulo
Yan ang sinabi mo nung ika'y nagpakalayo
Parehas lang naman tayo na nalilito
Kung tunay nga ba na pagibig na nga ito

Kailan sasabihin, Ito na pag-amin
Tuwing nasa piling, Laging binibitin
Hindi nanaisin, Ikaw ay magalit
Laging susuyuin

Ayos lang kung 'di pa kaya
Walang problema, basta't wag mawala
Ayos lang kung 'di pa kaya
Walang problema, basta't magtiwala

Kailan sasabihin, Ito na pag-amin
Tuwing nasa piling, Laging binibitin
Hindi nanaisin, Ikaw ay magalit
Laging susuyuin

Ayos lang kung 'di pa kaya, ayos lang kung 'di pa kaya
Ayos lang kung 'di pa kaya, ayos lang kung 'di pa kaya



Credits
Writer(s): Jerome Banaay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link