Gasera

Kung magmamaliw
Ang iyong pagtingin
Marapatin mo sana
Na 'wag agad lisanin
Sapagkat ang lamig
Sa init ay huhupa din
At mababalik din ang lahat
Ng natuyong damdamin

Ngunit sabi mo pagibig nati'y di sapat
At mali itong ating tinatahak
Sana'y pakinggan mo
At patutunayan ko

Lalanguyin ko ang dagat
Kung ito ang nararapat
Maging buhay ko ay handa kong ibuwis
Basta puso mo'y muling maging akin
Lilipad sa hangin
Kasabwat ko ang buwan at bituwin
Sabihin 'man nila ako'y nahihibang
Desperado lang naman
Na mabalik ko ang dating mong pagtingin

Gasera'y buksan
Maaaninag mo sa buwan
Kalawakan ang magsasabi
Sa pagsuyo kong hanggang langit

Ngunit sabi mo pagibig nati'y di sapat
At mali itong ating tinatahak
Sana'y pakinggan mo
At patutunayan ko

Aanhin ko ang yaman ng mundo
Kung 'di ikaw ang makakapiling ko (ohh ohh ohh)
Lalanguyin ko ang dagat kung ito ang nararapat
Kahit buhay ko ay handa kong ibuwis
Basta puso mo'y muling maging akin
Lilipad sa hangin
Kasabwat ko ang buwan at bituwin
Sabihin 'man nila ako'y nahihibang
Desperado lang naman
Na mabalik ko ang dating ikaw
Sakin



Credits
Writer(s): Minierva Estacio Manansala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link