Kakampi

'Di ka yata ayos ngayon, mahal
Ano'ng problema?
Puwede mong sabihin sa akin 'yan
Ika'y pakikinggan

Kung gusto mo munang mapag-isa
Sabihin mo lang
Lagi mo sanang tatandaan
'Di ka nag-iisa

Hahawakan ko ang 'yong kamay
Sa'n man magpunta, ako'y sasabay
'Di kailanman ako bibitaw
'Pagkat pagmamahal sa 'yo'y umaapaw

Halika na, aking mahal
Dito ka muna sumandal
Tumahan na't punasan ang luha
Ilabas ang nadarama
Sa tuwing ramdam mo ang pait ng mundo
Andito ako, kakampi mo

Nauunawaan ko
Ang iyong pinagdadaanan
Narito ako't dadamayan ka
'Wag nang mag-alala

Ayos lang kung mayro'n pa ring pangamba
Sa dala ng bukas
Sana'y 'wag mong kalimutan na
May kasama ka

Hahawakan ko ang iyong kamay
Sa'n man magpunta, ako'y sasabay
'Di kailanman ako bibitaw
'Pagkat pagmamahal sa 'yo'y umaapaw

Halika na, aking mahal
Dito ka muna sumandal
Tumahan na't punasan ang luha
Ilabas ang nadarama
Sa tuwing ramdam mo ang pait ng mundo
Andito ako, kakampi mo

Sa lahat ng pagsubok na haharapin
Ako'y kasangga mo
Balang-araw, ikaw ay babangon din
May tiwala ako sa 'yo
Lahat ng sugat mo'y maghihilom din

Halika na, aking mahal
Sa akin muna sumandal
Tumahan na't punasan ang luha
'Wag mawalan ng pag-asa

Halika na, aking mahal
Dito ka muna sumandal
Tumahan na't punasan ang luha
Ilabas ang nadarama
Sa tuwing ramdam mo ang pait ng mundo
Andito ako, kakampi mo

Kakampi mo
Kakampi mo



Credits
Writer(s): Nicole Miña
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link