Ilang Alon Ang Dala

Kumupas na ang paningin
Sa loob ng rehas na dingding
Balisa ang aking damdamin
Takipsilim ay parating

Walang bituin na matanaw
Dila ko'y nalulusaw
Hindi mapawi ang uhaw
Ng tubig na mapakla at mapanglaw

Ang diyos ba'y nakalimot
O wala nang pakialam
Naubos na kaya
Ang awa sa palad niya

Ang madla'y tumingala
Sa lihim na ginawa
Isang butil na sala
Ilang alon ang dala

Ginto, pilak, at dugo
Libu-libong atraso
Pagkakautang sa mundo
Ngayo'y pagbabayaran ko

Ginapos ng mga kamay
Pagsisisi lang ang taglay
Buong kat'wan ko'y nangamay
Paglapit sa hukay na naghihintay

Ang ngisi ng berdugo
Ang kislap ng kanyang patalim
Pumikit ka na lang
Nang hindi mo maramdaman

Ang madla'y tumingala
Sa lihim na ginawa
Isang butil ng sala
Ilang alon ang dala

Ang kalbaryo'y tapos na

Ang madla'y tumingala
Sa lihim na ginawa
Isang butil ng sala
Ilang alon ang dala

Tahimik na ang paligid
At ang diwa ko ay naidlip



Credits
Writer(s): Sebastian Artadi
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link