Iba Tayo

Araw-araw hanap ka
Pero pag galaw mo'y tila nakakapag taka
Bakit maayos tayo sa tuwing kasama kita
Ngunit pag uuwi na bigla kang nag iiba?
Maayos sana kung maayos nating sinusulit
Maayos sana tayo ngayon kung maayos ka
Pero kung puro away lang, bakit pa inuulit?
Ngayon tuloy napipilitang palayain ka
Ang pag agos ng alon ay sundan mo lang
Kahit mawalan ka na ng pake alam
Hindi rin magbabago ang aking pakiramdam
Ayokong umasa sa puro "sana" "sana" lang
Bakit dika umasa sakin?
Sa iba wag ka na magpa lait
Wag mong ibase sa opinion ng iba
Kung may problema ka lang rin sa atin
Bakit di mo ako palayain?
Marami parin ang para sayo diba?

Masaya na sana tayong dalawa ngayon
Nadala lang tayo ng maling panahon
Hindi na masasabing pagmamahal ang pinapakita
Tayong dalawa lang rin naman ang mismong sumira
Kung hindi lang tayo nasanay sa ganon
Marami pa sanang nagagawa ngayon
Kung pwede lang sanang lumapit sa simpleng "Halika"
Mananatiling nasayo't hindi na aalis pa

Kala ko ako na yun, bakit hinahanap pa?
Alam mong 'di ako nauuto sa salita
Bakit sobrang layo mo't walang ginagawa?
Di ko napansin puro ko'y durog na pala
Oh, alam mong ikaw lang ang tao na mahalaga
Sana nga hindi ka na sa akin mawala
Kahit na anong mangyari sating dalawa
Ang hiling ko lang ay kayakap parin kita
Gusto kitang harapin
Kahit na nasa dilim
Kumakanta na bibig pero sana hindi ka marinig
Bakit pa tayo nagpapanggap na parang hindi ka para sa akin?
"Sana nga wag ka na mawala" yan ang nag iisa kong panalangin

Masaya na sana tayong dalawa ngayon
Nadala lang tayo ng maling panahon
Hindi na masasabing pagmamahal ang pinapakita
Tayong dalawa lang rin naman ang mismong sumira
Kung hindi lang tayo nasanay sa ganon
Marami pa sanang nagagawa ngayon
Kung pwede lang sanang lumapit sa simpleng "Halika"
Mananatiling nasayo't hindi na aalis pa



Credits
Writer(s): Apollo Ramos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link