Di Sana

Sana hindi ko nalaman, 'di sana naguguluhan
Hindi maipaliwanag kung ano ba ang aking nararamdaman
Sana hindi ko nalaman, 'di sana naguguluhan
Hindi makapaniwalang marupok lang din aking sinasandalan

Sana hindi ko nalaman
Inasahan ko na 'di naman na 'to
Mabigat mang labanan
Kung bandang huli, alipin ay ako

Ilang gabing 'di makatulog ang pusong nadurog
Sarili ay parang sinunog sa sulok, natupok
Hinayaan ko na dumating na lang tayo sa dulo't
Malalaman mo din kung ano ba ang tunay na dulot

Pikit-mata ko na lamang na ginugusto
At iniisip na sana 'di 'yon totoo
Sana hindi ko nalamang may nagloloko
Sa panaginip na lamang may binubuo

Masakit man na isipin na
Wala kang dahilan upang ako'y palitan (upang ako'y palitan)
Masakit man na isipin na
Ikaw pa mismo ang siyang nagiging dahilan (nagiging dahilan)

Sana hindi ko nalaman, 'di sana naguguluhan
Hindi maipaliwanag kung ano ba ang aking nararamdaman
Sana hindi ko nalaman, 'di sana naguguluhan
Hindi makapaniwalang marupok lang din aking sinasandalan

Sana hindi ko nalaman
O sadyang kinakailangan ko na rin
Mahirap mang gawin kung ano'ng nararapat
Talikuran ka't tuluyang harapin naman 'yung nasa salamin

Mahalin aking sarili sa halip na manatili pa
At dumating na rin naman sa hulihan
Hindi mo 'ko masisising masama ang naiisip
Habang sa iba ka nakipagmabutihan

Kaya bakit magpapakadedma pa sa sakit kung dapat na rin kitang pakawalan?
Sadyang may mga maling hindi madali ang kapatawaran
At paumanhin na lamang kung 'di na kayang masagip ng pagmamahal
Mahirap magpakamanhid kung mayro'n pa ring nararamdaman

Sa dulo ay may aral ding napulot
Nagising sa pagkahulog na ikaw ang tulay
Natuto nga ang pusong gusto nang makasiguro
Ngunit ang naging bangungot lang sa isip ko ay

Sana hindi ko nalaman, 'di sana naguguluhan
Hindi maipaliwanag kung ano ba ang aking nararamdaman
Sana hindi ko nalaman, 'di sana naguguluhan
Hindi makapaniwalang marupok lang din aking sinasandalan

Sana hindi ko nalaman, 'di sana naguguluhan
Hindi makapaniwalang marupok lang din aking sinasandalan



Credits
Writer(s): Mark Nebson Lacerna Pinaga, Thomas Lynmuel Mayacyac
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link