Paglaya

Paulit-ulit lang tayo
Sa eksena ng nauudlot na pagbabago
Pangakong hindi na mauulit
Ang mga pagkakamali

Ako'y inilalayo, samahan mo ako
Sa bukas na hinahanap (hinahanap)
Ang dating ako
Samahan mo ako

Sa liwanag ng bagong umaga
Sa dilim ng hatinggabi
Sa pagtatapos ng mga pagkakamali
Ako ay uuwi
Ako ay uuwi

At bakit ko pa susubukang umahon?
Umahon sa binigong kahapon
Wala na ba o may pag-asa pa?
Pag-asa na magbago

Hanggang nakakabangon ay may pagkakataon (pagkakataon)
Harapin ang kinabukasan na mulat ang mga mata
Kayang ilaban pa
Hanggang sa huling hininga
Ako'y lalaban pa, oh
Ako'y lalaban pa

Sa liwanag ng bagong umaga
Sa dilim ng hatinggabi
Sa pagtatapos ng mga pagkakamali
Ako ay uuwi
Sa pagtatapos ng mga pagkakamali
Ako ay uuwi

Sa liwanag ng bagong umaga
Sa dilim ng hatinggabi
Sa pagtatapos ng mga pagkakamali
Ako ay uuwi

Sa liwanag ng aking paglaya
Matatanto sa aking paghimig
Sa pagtatapos ng mga pagkakamali
Ako ay uuwi

Sa pagtatapos ng mga pagkakamali
Ako ay uuwi
Sa pagtatapos ng mga pagkakamali
Ako ay uuwi

Sa liwanag ng bagong umaga
Sa dilim ng hatinggabi
Ako ay uuwi



Credits
Writer(s): Here+now
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link