Noong Isang Gabi (Sa Aking Daan)

No'ng isang gabi, ikaw ay nandiyan pa
Nagmamahalan at tayo'y masaya
Pero ba't ngayon, ika'y nagbago na?

Ikaw ay nag-iba
Mayro'n bang iba?

Mahal, pakiusap, 'wag naman sanang iwan
Kulang ang gabi 'pag 'di ka kasama
Ikaw ang ilaw sa madilim na aking daan

No'ng isang gabi, naaalala pa
Kung pa'no nga ba tayo nagsimula
Pero ba't gano'n, ba't kay bilis namang

Kinalimutan ang (kinalimutan ang)
Mga pinagsamahan?

Mahal, pakiusap, 'wag naman sanang iwan
Kulang ang gabi 'pag 'di ka kasama
Ikaw ang ilaw sa madilim na aking daan

Ngayong gabi
Ramdam ko ang lamig ng 'yong pag-ibig

Mahal, pakiusap, 'wag ka sanang lilisan
Kulang ang gabi 'pag 'di ka kasama
Ikaw ang ilaw sa madilim na aking daan

Mahal, pakiusap, 'wag naman sanang iwan
Kulang ang gabi 'pag 'di ka kasama
Ikaw ang ilaw sa madilim na aking daan
Aking gabay, aking mahal

No'ng isang gabi, ikaw ay nandiyan pa



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link