Ngiti (feat. Bruce Buenaventura)

Pagbalik
Sa unang sandali
Na pumasok tayo sa silid
Kailan ba
Dumaan
Ang panahon na magkasama tayo
Sa pagdaan
Ng panahon
Kinalimutan mo na ba kami?
Mga saya
At pagsasama
Mga iyak at tawa naglalaho
Babalik pa ba ang araw na
Tayo lang ay magkakasama muli?
Sa pag alis
Ng dilim
Nakita ko ang pagbabalik
Ang pagbabalik
Ng ating
Mga nawalang ngiti
Kaya salamat sayo't
Naramdaman ko ito muli
Babalik pa ba ang araw
Na magkakasama muli?
Sa pagbalik ng ngiti
Naramdaman kong muli
Ang pagmamahalan
Sa isa't isa
Ang pagsasama natin
Pinawi ang mga subok
'Di lang bilang magkaibigan pero isang
Malaking pamilya
Nagsimulang
May kagaspangan
Nadaan ito sa pagmamahalan
Bilang isa
Sinubukan
Ang mga laban patungo sa kaginhawaan
Bumalik na ang araw na
Tayo ay magkakasama nang muli
Sa pagbalik ng ngiti
Naramdaman kong muli
Ang pagmamahalan
Sa isa't isa
Ang pagsasama natin
Pinawi ang mga subok
'Di lang bilang magkaibigan pero isang
Malaking pamilya
Sabay sabay ngumingiti
Sabay sabay ngumingiti
Sabay sabay ngumingiti
Sabay sabay ngumingiti
Sabay sabay ngumingiti
Sabay sabay ngumingiti
Sabay sabay ngumingiti
Sabay sabay ngumingiti
Sabay sabay ngumingiti
Sabay sabay ngumingiti
Sabay sabay ngumingiti
Muli
Hindi lang ito matatapos ng isang kidlat
Sabay-sabay na kikislap ang buhay na tapat
Paglilingkuran ang Diyos nang may buong kagalakan!
Tatak Busko
Iparamdam sa mundo
Sa pagbalik ng ngiti
Naramdaman kong muli
Ang pagmamahalan
Sa isa't isa
Ang pagsasama natin
Pinawi ang mga subok
'Di lang bilang magkaibigan pero isang
Malaking pamilya



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link