Gusto - Extended Mix

Ba't ganito ang nadarama?
Ngiti palang nabighani na
Para mali, parang tama din
Hindi pa pwede pero di pa bumibitiw

Sinisigaw ng puso ko
Nagtataka naman ang isip ko
Oh, ang lagi kong hangad
Saiyo ay may pag asa
Ikaw na ba talaga ang matagal ko nang hinahanap?

Mayroong hahadlang sa ating dalawa
Tayo naman sa huli ang masusunod
Hindi sila

Wala na akong maibibigay pang dahilan
Pangakong "Hindi ka muling masasaktan"
Tadhana na ang bahala
Ano man ang sabihin nila
Tanging ikaw lang
Lalalala Lalala
Lalalala Lalala
Ang gusto ko
Lalalala Lalala
Lalalala Lalala
Wala nang iba

Walong buwan na ang nagdaan
Nandito pa rin naman ako
Iingatan ka't aalagaan
Mga pangarap natin, tutuparin

Binibigay ko naman lahat
Mahirap ba akong ipaglaban?
Parang mali, parang tama din
Dahan dahan ka nang bumibitiw

Merong humadlang sa ating dalawa
"May namamagitan na ba?"
At ang sabi mo'y "Kaibigan lang."

Wala na akong maibibigay pang dahilan
Pangakong "Hindi ka muling masasaktan"
Tadhana na ang bahala
Ano man ang sabihin nila
Tanging ikaw lang
Lalalala Lalala
Lalalala Lalala
Ang gusto ko
Lalalala Lalala
Lalalala Lalala
Wala nang iba

Kita ko sa iyong mga mata
Ang mga sagot sa mga nais malaman
"Ayaw mo na ba?" ang tanong ko sayo
At ang sabi mo'y, "Itigil na natin ito."

Iniwan ako na walang dahilan
Heto ako ngayon, nasasaktan
Tadhana na ang bahala
Ano man ang sabihin nila
Minahal kita

Hanggang dito na lang



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link