dito ka lang

Anong oras na ba?
Hindi ko na namalayan
Nakatitig lang sa yo
Puso koy nalilito

Bakit sumasayaw
Mga paro paro?
Pag ngumingiti ka na
Sumasaya na rin ako

Kay ganda ng mga talang
Maiikumpara sayong mga mata
Para sayo, paraluman
Itong aking kanta
Tanggapin mo na sinta

Dito ka lang magdamag
(Wag kang aalis na)
Dito ka lang magdamag

Palubog na ang buwan
At tayo ay gising pa
Pilit na tinatago aking kaba
Nung hinawakan mo ang aking kamay
Dun ko narinig kung sino ang tibok ng puso

Nais kong maisayaw ka nang dahan dahan
Maglalakbay patungo sa walang hanggan
Sana'y di to panghuli at wag nang lumisan
Hihintayin naman kita kase

Kay ganda ng mga talang
Maiikumpara sayong mga mata
Para sayo, paraluman
Itong aking kanta
Tanggapin mo na sinta

Dito ka lang magdamag
(Wag kang aalis na)
Dito ka lang magdamag



Credits
Writer(s): Justine Rome Ardepuela
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link