Sarili

Sa buhay na ito
Darating ang panahong gulong-gulo
At wala kang lugar sa mundo
Kundi sarili mo
Kundi sarili mo
Kahit anong pilit na lumayo
Lungkot sa sarili hinahabol mo

Hiling ko lang mapag-isa
Hiling ko lang 'wag nang umasa pa
Hiling ko lang lumaya na sa sakit
Patawad

Hahayaan na lang kaya
Na hindi malaman ng iba
Ang pinagdaanang hirap sa pagsuot ng maskara
Ano pang magagawa

At kahit anong pilit muling magsimula
Lungkot sa sarili hinahabol ka

Hiling ko lang mapag-isa
Hiling ko lang 'wag nang umasa pa
Hiling ko lang lumaya na sa sakit
Sarili

Sa t'wing hatinggabi
Nilalamon ng isip
Ang kawalan ng pagmamahal na hanap sa iba
Ngunit dapat lang labanan
Ng puso ang isipan
Nasa akin lang pala ang kasagutan

Hiling ko lang 'wag nang mag-isa
Hiling ko lang pag-asang may bukas pa
Hiling ko lang lumaya na sa sakit
Patungo sa pagmamahal na ako lang makakagawa
Sarili, patawad
Sarili, patawad



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link