Ulan

Sabik sa pagbuhos ng ulan
Saksi sa pagluha ng kalangitan
Mga ulap ay tila humahanap ng paraan
Na ang tigang na lupa'y halikan

Sugat at galos ng 'di paglaya
'Sing ingay ng pag-agos ng luha
O buti pa ang ulan dumadampi sa kalupaan
Kailan kaya mauulanan

'Di pinipili ang paglaya
Panaginip nga lang ba
Bagong tinig umaasang muling
Babalik ang panahon ng tag-ulan
Ooh hoo wooh

Pag-usad ng pangarap, o kay bagal
Buong-buo naman kung sumugal
Siya'y pawang biktima ng lipunang walang pakialam
Umiiyak ang pusong sugatan

'Di pinipili ang paglaya
Panaginip nga lang ba
Bagong tinig umaasang muling
Babalik ang panahon ng tag-ulan
Ooh hoo wooh

Mga ulap ay tila humahanap ng paraan
Na ang tigang na lupa'y halikan
O buti pa ang ulan dumadampi sa kalupaan
Kailan kaya mauulanan

'Di pinipili ang paglaya
Panaginip nga lang ba
Bagong tinig umaasang muling
Babalik ang panahon ng tag-ulan
Ooh hoo wooh



Credits
Writer(s): Nicole Abuda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link