Isa Pang Ikaw

Mayro'n pa kayang tulad mo
Na mayro'ng mga matang katulad sa 'yo?
Sa bawat tingin, tila ba nagsasabing
Mananatili hanggang sa huli

Mayro'n pa kayang tulad mo
Na mayro'ng mga kamay na tulad sa 'yo?
Sa tuwing hawak na'y 'di na nangangamba
Kailanma'y hindi na mag-iisa

Pwede ko ba na malaman?
Sa'n ba matatagpuan?

Mayro'n pa bang isa pang ikaw?
Sa'n hahanapin? Sabihin sa akin
Kung mayro'n pa bang isa pang ikaw
Ngayon na wala ka na, nagtatanong ang puso
Mayro'n kaya? Mayro'n pa bang tulad mo?

Mayro'n pa kayang tulad mo
Na mayro'ng mga ngiting katulad sa 'yo?
Kapag nasilayan, walang alinlangan
Lagi na lang nais na pagmasdan

Pwede ko ba na malaman?
Saan ba matatagpuan?

Mayro'n pa bang isa pang ikaw?
Sa'n hahanapin? Sabihin sa akin
Kung mayro'n pa bang isa pang ikaw
Ngayon na wala ka na, nagtatanong ang puso
Mayro'n kaya? Mayro'n pa bang tulad mo?

Saan hahanapin? Sabihin sa akin
Ngayon na wala ka na, mayro'n pa ba?

Mayro'n pa bang isa pang ikaw?
Sa'n hahanapin? Sabihin sa akin
Kung mayro'n pa bang isa pang ikaw
Ngayon na wala ka na, nagtatanong ang puso
Mayro'n kaya? (Mayro'n pa ba)

(Mayro'n pa ba isa pang ikaw?) Mayro'n pa ba?
(Sa'n hahanapin? Sabihin sa akin)
Mayro'n kaya? Mayro'n pa bang tulad mo?
(Kung mayro'n pa bang isa pang ikaw)
(Ngayon na wala ka na)
Mayro'n kaya? Nagtatanong ang puso
Mayro'n kaya? Mayro'n pa bang tulad mo?



Credits
Writer(s): Joseph Ponce
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link