Pepe & Pilar

Hawakan mo aking mga kamay
Bagalan lang muna natin ang pagsayaw
'Tong musikang ito ay ala-ala
Na kung saan nagsimula pagmamahalan nating dalawa

Tandang tanda ko pa, noong una kitang masilayan
Mga mata'y kumikinang kahit nasa malayo ka
Pero ngayon nandito ka nasa aking harap ko pa
Oh ang saya, 'di nawala

Hawakan mo aking mga kamay
Bagalan lang natin pagsayaw
'Tong musikang ito ay ala-ala
Na kung saan nagsimula pagmamahalan nating dalawa

Sandal mo ulo mo sa aking dibdib
Pakinggan ang tibok ng aking puso na
Kung nagsasalita, maririnig na
Wala nakong hinahangad na iba

Pakinggan mong mabuti ang katahimikan
Kung saan ka kasama hanggang pagtanda
'Di na mag iiba, san man mapunta
Pangako ko nang di ka mag iisa

Hawakan mo aking mga kamay
Bagalan lang natin pagsayaw
'Tong musikang ito ay ala-ala
Na kung saan nagsimula pagmamahalan nating dalawa



Credits
Writer(s): Jan Ed Christian Llorens
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link