Patintero

Lumuluhang mga ngiti sayong mata
Bulong sa isip pilit na ipinipinta
Nalulunod sa mitsa na 'yong dala
Mga gabing puno ng pangamba

Hakbang tungo sa akin
'Di ka bibitawan sa lalim ng dilim

Patintero pa sa hangin
Ninanais makapiling ko
Sa dapit-hapong panaginip
Kung susumahin panalangin
Mamarapatin bang sabihin 'to
Na ikaw lang ang pipiliin ko

Paraiso sa gitna ng kawalan
Mala-rosas ng labing nasusulyapan
Pintig ng puso na nararamdaman
Sa mga gabing puno ng pangamba

Hakbang tungo sa akin
'Di ka bibitawan sa lalim ng dilim

Patintero pa sa hangin
Ninanais makapiling ko
Sa dapit-hapong panaginip
Kung susumahin panalangin
Mamarapatin bang sabihin 'to
Na ikaw lang ang pipiliin ko

(Instrumental)

Sa 'yong mga labi
Ay mananatili
Hakbang sayong lipi
'Di na mababawi
Bagkus habang buhay kang mamahalin
Ingatan ng tunay
O, aking bituin

Bukang liwayway
Sa bagyo ng pighati
Hawak mga kamay
Habang nagpupunyagi
Pagpatak ng alas-dose ng gabi
Mundo nati'y nagkakatabi



Credits
Writer(s): Jc Herrero, Padlocked
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link