Kakaiba Ka

Di ko makita sa iba
Dahil ika'y kakaiba
Kahit hanapin ko sa kanila
Hindi maaaring ikumpara

Ang iyong galaw
Parang sayaw
Ang tinig mo
Ay may taglay
Nagbibigay ng pag-asa

Paligid ko ay nag-iiba
Kung ikaw ay kasama na
Ang mundo ko ay sumasaya
Balewala ang problema

Ang pagbigkas mo ng
Pangalan ko
Ay musika
Sa pandinig
Nagbibigay ng pag-asa

Napaka simple mo lang naman
Hindi perpekto yung sakto lang
May konting selos kung minsan
Para sa akin natural lang

Ang iyong galaw
Parang sayaw
Ang tinig mo
Ay may taglay
Sa pagbigkas mo ng
Pangalan ko
Ay musika
Nagbibigay ng pag-asa



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link