Utang Na Loob

Sa bawat paghinga, bagay na di nakikita
Ngayo'y malinaw na, naging pansamantala

Saiyong paglaban
Ika'y may kalalagyan

Hindi na magising, natutulog na damdamin
Kung di pa sasabihing walang nararapat saakin

Hindi na sila
Hindi na sila pakikiusapan
Malinaw na ba
Malinaw na bang ika'y kinailangan
Wala ng saysay
Wala ng saysay kung pakikisamahan
Ang tulad nilang walang
Utang na loob

Walang pakiramdam, bawat maling nakikita
Maraming nagsasabi ngunit binabalewala

Anong nangyareyare sa iyo bakit ka biglang pabagobago
Lumalabas na ang totoo kung bakit biglang lumayo sa iyo

Nariyan lang pag may kailangan
Umaalis pag siya na ang aasahan

Hindi na sila
Hindi na sila pakikiusapan
Malinaw na ba
Malinaw na bang ika'y kinailangan
Wala ng saysay
Wala ng saysay kung pakikisamahan
Ang tulad nilang walang

Ngayon lang nakita ang tunay na katauhan
Hindi kaibigan ang iiwanan at pagsasawaan lang bigla

Ako'y nagtiwala sa iyo
Bakit lumabas ang lahat ng ito

Hindi na sila
Hindi na sila pakikiusapan
Malinaw na ba?
Malinaw na bang ika'y kinailangan
Wala ng saysay
Wala ng saysay kung pakikisamahan
Ang tulad nila
Ang tulad nilang hindi maaasahan

Hindi na sila
Hindi na sila pakikiusapan
Malinaw na ba
Malinaw na bang ika'y kinailangan
Wala ng saysay
Wala ng saysay kung pakikisamahan
Ang tulad nilang walang
Utang na loob



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link