Nasunog

Kung bibilangin ko lang mga dahilan
Matagal na siguro tayong naghiwalayan
Tagu-taguan, maang-maangan
Kahit halata na naman
Takot pag-usapang mali
'Di na maitatanggi

Bago pa magsisi sa huli
Maaayos pa ba
Mali na bang umasa kung
Nasunog, tapos muling babalik
Nadadarang sa ibang apoy lumapit
Kahit nangako ka sa langit
Na tayo lang dalawa
Maibabalik pa ba kung nasunog
Oh-oh-oh-oh-oh-oh-ooh

Nagpapakahibang na lang sa larong lahat ay talunan
Sa pag-ibig 'di tamang dalawang pagpipilian
Sa kalaunan magkakaalam
'Di mo na kayang takpan
Ba't 'di pag-usapang mali 'di na maitatanggi

Bago pa magsisi sa huli
Maaayos pa ba
Mali na bang umasa kung
Nasunog, tapos muling babalik
Nadadarang sa ibang apoy lumapit
Kahit nangako ka sa langit
Na tayo lang dalawa
Maibabalik pa ba kung

Nasunog ang puso
Ang sakit susukong saglit ngunit
Magpatawad madaling sabihin
Mahirap man kahit ulit-ulitin
Muli't muli ay aking gagawin
Sa nag-iisang dahilan
Mahal kita at kahit masunog

At sa 'kin muling babalik (at sa 'kin muling babalik)
Madarang ka man sa ibang apoy lumapit
Kahit nangako ka sa langit
Na tayo lang dalawa
Maibabalik pa ba kung nasunog

Nasunog
Maibabalik pa ba kung nasunog
Mahal kita kahit pa masunog



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo, Roque Santos, Khimo Goemon Gumatay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link