Tukso

Tapat ang puso ko
At ito'y hindi magbabago
'Pagka't pag-ibig ko
Ay tanging para sa 'yo

'Wag sanang mangyari
Matukso ako nang sandali
'Pagka't ang tukso ay
Madaling nagwawagi

Kay rami nang winasak na tahanan
Kay rami nang matang pinaluha
Kay rami nang pusong sinugatan
Oh tukso, layuan mo ako

'Di kayang sabihin
Na ako'y 'di magdadarang din
'Pagka't ako'y tao
May puso't damdamin

Nguni't kung kaya ko
Ako ay hindi padadaig
Sa tuksong kay rami nang
Winasak na damdamin

Kay rami nang winasak na tahanan
Kay rami nang matang pinaluha
Kay rami nang pusong sinugatan
Oh tukso, layuan mo ako

Kay rami nang winasak na tahanan
Kay rami nang matang pinaluha
Kay rami nang pusong sinugatan
Oh tukso, layuan mo ako

Kay rami nang winasak na tahanan
Kay rami nang matang pinaluha
Kay rami nang pusong sinugatan
Oh tukso, layuan mo ako

Kay rami nang winasak na tahanan
Kay rami nang matang pinaluha



Credits
Writer(s): Roll De Asis
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link