Kung Maibabalik Ko Lang

Sayang lang mga sandaling pinalipas ko
Naroon ka na, bakit pa humanap ng iba
Ngayon ikaw ang pinapangarap
Pinanang-hihinayangan ko ang lahat
Oh, bakit ba ang pagsisisi laging nasa huli
Ang mga lumipas ay di na maaring balikan
Sayang bakit ako nag-alinlangan pa
Tuloy ngayo'y lumuluha at nanghihinayang
Kung maibabalik ko lang
Ang dati mong pagmamahal
Pagka-iingatan ko at aalagaan
Kung maibabalik ko lang
Ang dating ikot ng mundo
Ang gusto ko ako'y
Lagi na lang sa piling mo
Oh, sayang bakit ako nag-alinlangan pa
Tuloy ngayo'y lumuluha at nanghihinayang
Kung maibabalik ko lang
Ang dati mong pagmamahal
Pagka-iingatan ko at aalagaan
Kung maibabalik ko lang
Ang dating ikot ng mundo
Ang gusto ko ako'y
Lagi na lang sa piling mo
Kung maibabalik ko lang
Ang dating ikot ng mundo
Ang gusto ko ako'y
Lagi na lang sa piling mo oh oh



Credits
Writer(s): Christine Bendebel
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link