Talangka Blues - Remix

Sa Bayan ni Juan sabi huwag siyang tularan
Isang umaga asul ang kalangitan
Nagpunta sa ilog pero nakatulog
Nagising tanghali na sinipit ng talangka

Ang buhay ng tamad, naka-katuwa
Masayang masaya ha ha ha wala namang ginagawa
Pangarap, kinabukasan ay laho na
Sabay sa agos ng ilog, sakay sa papel na bangka

Kung ika'y nababato, ilabas gitara mo
Kaskasin ng kaskasin, mga paa paindakin
Isigaw indayog ng mga salita
Pagdating na ng umaga, himig ay buo na

Talangka blues, Talangka blues

Sa bayan ni Juan, may bayanihan
Bahay lumalakad sa lansangan
Masdan nyo sa may bintana may dalagita
Dali na mga binata, humanda nang mang harana

'di man maukit sa kasaysayan
Sa kanyang baryo sya ay uliran
Dugo't pawis ni Juan,ilan lang nakinabang
Nakalimutan o nahulog sa biyak ng pagka kataon
Sa sistemang sadyang kay hirap umahon
That's the story of Juan



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link