Kasunod

Naliligaw, nalilito, akala ko, tama ako
Puwedeng tulong naman?
Saan ba 'ko tatakbo? Puso't isip nagtalo
Pa'no umpisahan?

Nanginginig kung aamin ng totoo sa salamin
Pa'no na?

Ano nga bang kasunod?
Sino ba'ng nakakaalam ng agos ng panahon?
Sa'n ba tatangayin sa susunod?
Ano ba ang karugtong? Kailan ba aahon?
Ano nga ba'ng kasunod?

Kung babayaran lang ako kakaisip sa iyo
Kulang na kulang pa 'yan, hmm
Sabi, "'Wag magmadali," naiinip na 'ko
Sagutin mo at sabihin mo na

Ano nga ba'ng kasunod?
Sino ba'ng nakakaalam ng agos ng panahon?
Sa'n ba tatangayin sa susunod?
Ano ba ang karugtong? Kailan ba aahon?
Ano nga ba'ng kasunod?

Tanging simula't dulo, sa 'yo lang nakabuklod
Sa'n ba hahanapin? Huwag ka nang pabitin

Ano nga ba ang kasunod?
Sino ba'ng nakakaalam ng agos ng panahon?
Sa'n ba tatangayin sa susunod?
Ano ba ang karugtong? Kailan ba aahon?
Ano ba ang kasunod? Oh-whoa
Ano nga ba'ng kasunod?

Ano nga ba'ng kasunod?
Isa lang ang nakakaalam



Credits
Writer(s): Miguel Mendoza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link