Chinito

Mapapansin mo ba kaya ang tulad ko
Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata?
Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa 'yo
Kahit na hindi naman ako ang iyong kaharap, oh, chinito?

Balang araw ay malalaman mo rin

At kung ikaw ay nakatawa, ako pa ba ay nakikita?
Nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na ikaw
Sana naman, ako'y pakinggan at nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin

Oh, chinito, chinito

Kung hindi inaantok, kung hindi nasisilaw
Puwede bang malaman ko, may pag-asa pa kayang matatanaw?
Bakit ba ang pungay ng bintana ng iyong mundo?
Isang ngiti mo lang sa 'kin ay baon ko hanggang sa pag-uwi, oh, chinito

Balang araw ay malalaman mo rin

At kung ikaw ay nakatawa, ako pa ba ay nakikita?
Nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na ikaw
Sana naman, ako'y pakinggan at nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin

Oh, chinito, chinito

Sana naman, ako'y pakinggan at nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin

Ah, sige, tawa lang nang tawa, ako pa ba ay nakikita?
Nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na ikaw
Sana naman, ako'y pakinggan at nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin

Oh, chinito, chinito



Credits
Writer(s): Jedidiah Dumawal
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link