Pinaasa

Araw-gabi ika'y nasaisip sa pag-iisa ko
Ang luha ko ang tanging saksi
Sa apat na kanto ng aking kwarto
Walang humpay na pagtangis, parang baliw
Na nawawala sa wisyo ang sarili ko
Pinaasa, umasa, wala naman pala
Bakit ka pa nagpakita ng tsansa?
Kung wala namang nararamdaman
Na sana'y tuluyan mo na lang akong binaon sa limot nang 'di na nasaktan.
Ang daming tanong pero ni isa walang sagot
Kung laging ganyan tiyak walang mapupuntahan
Habang tumatagal parang lumalabo na relasyon na suntok sa buwan
Pinaasa, umasa, wala naman pala
Bakit ka pa nagpakita ng tsansa?
Kung wala namang nararamdaman
Na sana'y tuluyan mo na lang akong binaon sa limot nang 'di na nasaktan.
Pagod nang lumaban mag-isa
Hindi habang buhay ika'y aantayin pa
Pinaasa, umasa, wala naman pala
Bakit ka pa nagpakita ng tsansa?
Kung wala namang nararamdaman
Na sana'y tuluyan mo na lang akong binaon sa limot nang 'di na nasaktan.
Pinaasa, umasa



Credits
Writer(s): Roque Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link