Kapag Ako Ay Nagmahal (From "Write About Love")

Ibibigay ang lahat-lahat
Handa kong gawin lahat ng iyong hiling
Sukli man ay sugat sa puso

Karamay ka sa hirap at saya
Masaktan mo man damdamin ko
Ako'y nandiyan pa rin sa iyong tabi

Kapag ako ay nagmahal
Ang lahat ng ito'y magagawa
Hindi magbabago, hindi maghahangad
Ng anumang kapalit

Kapag ako ay nagmahal
Umiyak man ako, hindi ko ito ikakahiya
Handa akong magtiis
Kapag ako, kapag ako ay nagmahal

Sa iyo lamang iikot aking mundo
Sa aki'y balewala sasabihin ng iba
Basta't alam ko, mahal kita

Kapag ako ay nagmahal
Ang lahat ng ito'y magagawa
Hindi magbabago, hindi maghahangad
Ng anumang kapalit

Kapag ako ay nagmahal
Umiyak man ako, hindi ko ito ikakahiya
Handa akong magtiis
Hindi ka man maging akin
Lahat ng 'to ay gagawin
Kapag ako, kapag ako ay nagmahal



Credits
Writer(s): Jose Larry Hermoso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link