Lakbay Diwa

Lakbay diwa, nalalasap ang paglaya sa hinaharap
Lakbay diwa, lakbay diwa

Piringan ang 'yong mga mata
Mas lalong may makikita ka
Basagin ang 'yong kaluluwa
Lumang alaala ay
May kulay na kumakaway

Mga alagad sa paglikha
Handa na ako sa paglipad
Kay bagal akong naglalakad
'Di namamalayan na
Pag-usad ay kay layo na

Langoy sa usok, ang palatandaan ko'y
Malayang isipan, ah-ha-ha

Lakbay diwa, malalasap ang paglaya sa hinaharap
Lakbay diwa, lakbay diwa

Ito ang mukha ng pag-aklas
Sa pusong uhaw sa pagtuklas
Punyal na lumbay ang gagabay
Patungo sa kalawakan
May ibang mundong nag-aantay

Langoy sa usok, ang palatandaan ko'y
Malayang isipan, ah-ha-ah

Langoy sa usok, ang palatandaan ko'y
Malayang isipan

Ah-ah-ah, ah-ah-ah, ah-ah



Credits
Writer(s): Christian B Renia
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link