Una't Huling Pag-ibig

'Di kita malilimutan, ikaw ang tangi kong kailangan
Pag-ibig ko'y pakaasahang sadyang ikaw lamang
Lagi kang nasa isipan, aking napapanaginipan
Ang alaala mo'y walang hangganan

Araw man ay lumilipas, patuloy na hindi kukupas
Pagsuyo ko'y lalaging tunay, malinis at wagas
Dahil habang mayro'ng bukas, sa puso ko'y ikaw ang lunas
Damdamin ko'y sadyang walang wakas

Dahil ikaw lang ang una ko't huling pag-ibig
Sa piling mo'y walang ligalig
Ika'y nag-iisa sa 'king buhay

Dahil ikaw lang ang una ko't huling pag-ibig
Ang yakap mo ang aking langit
Kailan pa ma'y 'di kita ipagpapalit

'Di kita malilimutan, ikaw ang tangi kong kailangan
Pag-ibig ko'y pakaasahang sadyang ikaw lamang
Lagi kang nasa isipan, aking napapanaginipan
Ang alaala mo'y walang hangganan

Dahil ikaw lang ang una ko't huling pag-ibig
Sa piling mo'y walang ligalig
Ika'y nag-iisa sa 'king buhay

Dahil ikaw lang ang una ko't huling pag-ibig
Ang yakap mo ang aking langit
Kailan pa ma'y 'di kita ipagpapalit

Dahil ikaw lang ang una ko't huling pag-ibig
Sa piling mo'y walang ligalig
Ika'y nag-iisa sa 'king buhay

Dahil ikaw lang ang una ko't huling pag-ibig
Ang yakap mo ang aking langit
Kailan pa ma'y 'di kita ipagpapalit

Kailan pa ma'y 'di kita ipagpapalit



Credits
Writer(s): Boy Christopher
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link