Tara

Ohhh

Alam kong pagod ka na at balisa
Hinahanap ay pahinga
Subukan mong iwan muna ang pasan
Ng damdamin gumaan at para maibsan
Kahit saglit ang kalungkutang nararamdaman
Kailangan lang pagbigyan ang sarili na
Lumayo mag saya't maglibang

Kulayan madilim na mundo
Ibibigay ko ang trip mo

Halika na! Tara!
Salubungin ng ngiti ang umaga
Hindi ka na para
Magkulong tayo na at lumarga

Minsan talaga kailangang ilabas
Mga naipon na basurang nakakabanas
Nakasanayan na routine ikaw ay kumalas
Sulitin mo ang bawat oras na ika'y malakas
Kahit na anong estado may trabaho o negosyo
Wag kalilimutan sa sarili mag regalo
Hindi mo na mababalik ang sandali
Sulitin mo isipin mo panalo ka ito'y balato mo
Pagkatapos malugmok sa mga problema at trabaho
Mga hustle at dizkarte pinagka kitaan mo
Panahon na upang kumahoy bawasan ang mga ipon
Mag inom tayo sa byahe sulitin ang bakasyon
Diba sabe nga ni henyo master nang eat bulaga
Mag trabaho mag ipon mag lakwatsa mag saya
Kung walang natatapakan ay wag kang mag alala
Kahit pansamantala karapatan ang lumigaya

Kulayan madilim na mundo
Ibibigay ko ang trip mo

Halika na! Tara!
Salubungin ng ngiti ang umaga
Hindi ka na para
Magkulong tayo na at lumarga

Sa mundong ito' kalungkutan ay di na uso
Tara na't sumama ka
'Wag ng magpabebe pa
Dedmahin lahat ng nega
'Mag impake na't halika na

Halika na! Tara!
Salubungin ng ngiti ang umaga
Hindi ka na para
Magkulong tayo na at lumarga

Halika na! Tara!
Salubungin ng ngiti ang umaga (Huwag magpa-apekto sa anumang negatibo)
Hindi ka na para
Magkulong tayo na at lumarga

Halika na! Tara!
Salubungin ng ngiti ang umaga
Hindi ka na para
Magkulong tayo na at lumarga



Credits
Writer(s): Jean Nicole Santander, Ricky Javier, Rowel Solayao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link