Sana'y Di Pangarap

Nang makita ka'y biglang nagbago ang takbo
Takbo ng buhay kong dati ay bakit kay gulo
Di ko inaasahan na iyong paglalaanan
Ng tunay at tanging pagmamahal
Sana ay di ito pangarap
At di isang pangako't sumpa
Na sa paggising ko'y mawawala
Sana'y hindi tulad ng dati
Lumuluha araw gabi
At sana'y lagi ka na katabi
Dati ay parang ayoko na, na magmahal
Natatakot mangyari na muli ay masaktan
Ngunit sa'yong pag-ibig
Ay langit ang siyang nadama
Ngayo'y di na ako mag-iisa
Sana ay di ito pangarap
At di isang pangako't sumpa
Na sa paggising ko'y mawawala
Sana'y hindi tulad ng dati
Lumuluha araw gabi
At sana'y lagi ka na katabi
Di ko kailangan ang pangako
O di kaya'y pagsuyo
Ang nais ko'y maramdaman ang iyong puso
At huwag mo sanang iiwanan
Huwag mong pababayaan
Ang puso kong muli'y iibig at magmamahal sa'yo
Sana ay di ito pangarap
At di isang pangako't sumpa
Na sa paggising ko'y mawawala
Sana'y hindi tulad ng dati
Lumuluha araw gabi
At sana'y lagi ka na katabi
Sana'y hindi tulad ng dati
Lumuluha araw gabi
At sana'y lagi ka na katabi



Credits
Writer(s): Vehnee Venancio A Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link