Luna

Sabi nga nila, bilang lang ang oras mo
'Di bale na, basta't nasa piling mo
'Di ko man maisip ang aking sasabihin sa 'yo
Maipahiwatig na ikaw ang aking mundo

Halika't sumama, tumawa hanggang umaga

Lapit ka at hawakan ang palad
Aking mahagka't mayakap nang ulit

Sabi ng iba, nasayang ang oras ko
'Di nila alam, mahirap maging ako
Labis nang napatid, napayuko, at napahinto
Nang ika'y yakapin, lukso ng dugo'y natanto

Halika't sumama, tumawa hanggang umaga

Lapit ka at hawakan ang palad
Aking mahagka't mayakap nang ulit

Halika't sumama, tumawa hanggang umaga

Lapit ka at hawakan ang palad
Aking mahagka't mayakap nang ulit
Lapit ka at hawakan ang palad
Aking mahagka't mayakap nang ulit



Credits
Writer(s): Daniel Ombao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link