Kylie

Tapos na mga masayang ala-ala
Natapon lahat wala na kong gana
Uminom ng sagaran
Nung nalaman ko na meron ka nang nakasama
Na dati ako lang ay sapat na
Bakit ganito, namimiss ko mga yakap mo
Mga halikan na para bang ayaw ko na to ihinto
Punuin ang baso hayaan mo na malasing ako dito
Hanggang sa di ko namalayan na andyan na ang araw

Ohh bakit ba nagkaganto
Sayo ko lang naramdaman to
Ano na ba 'ko para sa'yo
Bakit iniwan mo ko

Kada segundo nalang ikaw nasa isip
Araw araw nalang ikaw nasa panaginip
Pero dati lang yon, wala ka na sa akin ngayon
Matagal na panahon, pinipilit kalimutan ang kahapon

Nabalitaan ko kayong dalawa ng bago mo
Mukhang masaya pero mas masaya siguro kung ako
Ang kasama sa hirap man o ginhawa
Parang dati lang nung wala siya
Pinipikit ko ang mata
Sa tuwing kasama mo na siya
Di makatulog, ang hirap naman makalimot
Aarte na para bang, ok na sakin ang lahat
Pusong nadurog, may pag-asa ba na mahubog
Hindi na umaayon sakin ang panahon
Tinatanong sa sarili bakit nagkaganon
Punuin ang baso hayaan mo na malasing ako dito
Habang napapatanong kung bakit iniwan mo ko

Ohh bakit ba nagkaganto
Sayo ko lang naramdaman to
Ano na ba 'ko para sa'yo
Bakit iniwan mo ko

Kada segundo nalang ikaw nasa isip
Araw araw nalang ikaw nasa panaginip
Pero dati lang yon, wala ka na sa akin ngayon
Matagal na panahon, pinipilit kalimutan ang kahapon



Credits
Writer(s): Dominic Ignacio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link