Silaw

Araw-araw kong nadarama ang pagkasabik na masilayan
Ang tanawing kakaiba, tila bang nakakalibang na
Patuloy na pagmasdan ang nakakabighaning larawang
Nakapinta sa bawat sulok ng iyong ngiti

Oh, hinding-hindi pagsasawaan
Oh, ang 'yong taglay na kagandahan

No'ng nakita kita sa gitna ng araw
Nakakasilaw ang iyong ganda, 'di malaman kung tunay ka ba talaga
Ang mga bulaklak ay nabibigyang-buhay
Gusto kong humimlay sa 'yong tabi

Araw-araw na ginaganahan, hindi mapakali
'Pag nakikita kang lumalapit, puso ko'y kinikilig (yiee)
Patuloy na pagmasdan ang nakakabighaning larawan
Mga matang para bang bituing nagniningning

Oh, hinding-hindi pagsasawaan
Oh, ang 'yong taglay na kagandahan

No'ng nakita kita sa gitna ng araw
Nakakasilaw ang iyong ganda, 'di malaman kung tunay ka ba talaga
Ang mga bulaklak ay nabibigyang-buhay
Gusto kong humimlay sa 'yong

Na-na-na-na-na-na-na-na, na-na

Ang daloy ng ating panahon, nagpapahiwatig na yata
Tingin ko'y nagpapakita, malalim na pagsinta
Ang daloy ng ating panahon, nagpapahiwatig na yata
Tingin ko'y nagpapakita, malalim na pagsinta

Okay na 'yon? Okay

Oh, hinding-hindi pagsasawaan
Oh, ang 'yong taglay na kagandahan

No'ng nakita kita sa gitna ng araw (oh)
Nakakasilaw ang iyong ganda, 'di malaman kung tunay ka ba talaga
Ang mga bulaklak ay nabibigyang-buhay (nabibigyang-buhay)
Gusto kong humimlay sa 'yong (gusto kong humimlay)

Nakita kita sa gitna ng araw
Nakakasilaw ang iyong ganda, 'di malaman kung tunay ka ba talaga
Ang mga bulaklak ay nabibigyang-buhay
Gusto kong humimlay sa 'yo (sa'n banda?)

Sa gitna ng araw (hey)
Nakakasilaw ang iyong ganda, 'dii malaman kung tunay ka ba talaga
Ang mga bulaklak ay nabibigyang-buhay
Gusto kong humimlay sa 'yong tabi



Credits
Writer(s): Israel Ellaga
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link